Si Lee ay akusado sa kasong syndicated estafa na nag-ugat sa mahigit P6 billion na maanomalyang pautang na inaprubahan ng Pag-ibig Fund para sa ‘di umano’y mga bumili ng bahay sa housing project ng kumpanya sa Mabalacat, Pampanga pero natuklasan na ang mga ito ay “ghost borrower” pala.
Pero November 7, 2013 ay naglabas ng desisyon ang Court of Appeals special 15th division na nag-aatas sa korte sa Pamoanga laban sa pag-usad ng kasong kriminal laban kay Lee.
Pinawalang bisa rin ng CA ang arrest warrant laban kay Lee.
Inabswelto ng CA si Lee sa kasong syndicated estafa dahil ang element ng krimeng ito ay dapat na ginawa umano ng lima o higit pang mga tao.
Sa reklamong inihain ng DOJ sa korte sa Pampanga, lima ang orihinal na akusado pero sa dalawang magkahiwalay na desisyon ng Court of Appeals, inabswelto nito ang dalawang akusado na sina Atty. Alex Alvarez, dating abugado ng PAG-IBIG fund at hepe ng foreclosure department at Christina Sagun na dating hepe ng Globe Asiatique documentation department.
Nang dahil sa desisyon ng CA, lumalabas na ang kasong dapat na kaharapin na lamang ni Lee ay simple estafa na may katapat na piyansa.
Pero ang tatlong desisyon na paborable sa tatlong akusado ay iniapela ng DOJ sa Korte Suprema at sa bisa ng temporary restraining order na inisyu ng Mataas na Hukuman, pinigil nito ang kinukuwestiyong mga desisyon ng Court of Appeals.
Bunsod nito, nananatili pa rin si Lee sa bilangguan sa Pampanga at nahaharap pa rin siya sa kasong syndicated estafa.