US Embassy sa Maynila naglabas ng alerto kaugnay sa measles outbreak sa Pilipinas

Nagpalabas ang US Embassy sa Maynila ng health alert kaugnay sa outbreak ng tigdas sa ilang bahagi ng Pilipinas.

Sa abiso ng embahada, pinatitiyak sa mga US citizens na narito at papunta dito sa Pilipinas na tiyakin na may bakuna sila kontra tigdas, na MMR vaccine.

Pinaiiwas din sila sa mga tao na may sakit at pinabibisita sa webpage ng Center for Disease Control (CDC) para basahin ang artikulong Measles in the Philippines.

Dapat din ayon pa sa abiso alam ang mga paraan para maiwasan ang tigdas at kung ano ang maaring gawin kapag taglay na ang naturang sakit.

Ang health alert ay nag-ugat sa pahayag ng mga opisyal ng Department of Health.

Una nang nagdeklara ng measles outbreak sa ilang lungsod at bayan sa Negros Oriental; isang barangay sa Taguig; Zamboanga City at Davao City.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...