900 sako ng bigas, natuklasang nabubulok sa warehouse sa Tacloban

CDN File Photo

Natuklasang nabubulok na sa warehouse ng National Food Authority (NFA) sa Tacloban ang 900 sako ng bigas na pawang nasabat noong taong 2014.

Ayon kay Jose Naig, Bureau of Customs (BOC) acting district collector ng Tacloban port, ang nasabing mga bigas ay sinertipikahan na ng NFA ‘unfit for consumption’ at itatapon na lamang.

Nakalulungkot ayon kay Naig na masasayang ang sako-sakong mga bigas gayung kapos ang suplay ng NFA rice sa bansa.

Pero sinabi ni Naig na kinakailangang i-dispose ang mga bigas dahil delikado na ito sa kalusugan ng publiko kung maibebenta pa ito sa merkado.

Ang nasabing mga bigas ay pawang commercial ricena nasabat noong 2014 dahil sa kawalan ng importation permit.

Itinago muna ito sa warehouse ng NFA matapos na walang walang mag-bid nang isailalim ito sa auction ng BOC.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...