Easterlies pa rin ang umiiral sa buong bansa – PAGASA

Apektado pa rin ng easterlies ang buong bansa na nagdadala ng mainit at maalinsangang panahon sa malaking bahagi ng bansa.

Sa weather forecast ng pagasa para sa araw na ito, ang Caraga, Davao Region, Soccsksargen at Zamboanga Peninsula ay makararanas lang ng maulap na papawirin na mayroong kalat-kalat na pag-ulan sa at thunderstorms,

Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas ng isolated na pag-ulan dahil sa localized thunderstorms.

Kahapon, naitala ng PAGASA ang 33.8 degrees Celsius na maximum temperature sa Metro Manila.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...