Guilty sa kada 12 count ng graft and falsification of public documents si Retired Brigadier General Jose Ramiscal Jr., dating President ng binuwag na Armed forces of the Philippines-Retirement and Separation Benefit System.
Pinagbalawan din ng Sandiganbayan 7th division si Ramiscal sa pagpasok sa public office.
Parehong sintensya ang ipinataw sa kapwa akusado ng heneral na si Nilo Flaviano na nagsilbing abogado ng may-ari ng mga lupa.
Binigyan ng anti-graft court sina Ramiscal at Flaviano ng maximum sentence na 120 na taon para sa labing-dalawang counts ng graft at maximum na pagkakulong na siyamnaput-anim na taon para sa labing-dalawang counts ng falsification of public documents.
Ibinenta ni Ramiscal at pumanaw na Project Director ng AFP-RSBS na si Wilfredo Pabalan ang labing-dalawang lupa sa General Santos City para sa pabahay sa Marina Complex pero nadiskubre ng Ombudsman na may ibang set ng deeds of sale bago ang pagbili sa mga lupa na naging dahilan ng mababang bayad at nalugi ang gobyerno ng tatlong milyong piso.