Sa kanyang press briefing bago bumaba sa pwesto, sinabi ni Outgoing PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa, malapit sa kanyang puso ang war on drugs dahil sa epekto nito sa buhay ng mga tao.
Ito anya ang dahilan kaya naging pursigido ang PNP sa Tokhang.
Hanggang noong April 13, nasa kabuuang 19,086 ang nahuling drug suspects sa mahigit 12,000 na magkakahiwalay na anti-illegal drug operations.
Pero sinabi ni General Bato na hindi naging madali ang kampanya kontra droga dahil nalagay sa panganib ang mga pulis sa harap ng mga armadong drug suspects.
Dahil aniya rito ay napilitan ang mga pulis na gumamit ng rasonableng pwersa na nagresulta sa 207 na mga pulis na namatay.
Pinuri ni Dela Rosa ang top four perforning police regional offices sa pangunguna ng National Capital Region Police Office, Police Regional Office 4-A, Police Regional Police Office 3 at Police Regional Police Office 7.