Ayon kay Fire Superintendent Robert Pacis ng Parañaque Fire Department, nasa 100 pamilya na mga informal settlers ang nawalan ng tirahan dahil sa sunog na umabot sa ikaapat na alarma.
Alas-5:06 ng hapon nang sumiklab ang sunog na sa kalagitnaan ng pag-apula dito ng mga bumbero ay umalingawngaw pa ang isang malakas na pagsabog.
Alas-9:40 na ng gabi nang ideklara ang fire out ng mga otoridad at tinatayang aabot sa ₱100,000 ang kabuuang pinsala dahil sa pagliliyab.
Samantala, maswerte namang walang naitalang nasugatan o nasawi dahil sa nangyaring sunog.
READ NEXT
Ex-Sen. Jinggoy Estrada, hiniling isyuhan ng show cause order ng Sandiganbayan dahil sa “fake” invitation letter
MOST READ
LATEST STORIES