Base sa isinumiteng Supplemental Motion for Reconsideration with prayer for a show cause order na isinumite ng prosekusyon iginiit nito na mapanlinlang ang mosyon ni Estrada.
Kasama sa mosyon ng Ombudsman na isinumite sa anti-graft court ang liham mula sa US Pinoys for Good Governance o USPGG kung saan itinatanggi ng mga ito na kainilang inimbitahan ang dating senador sa kanilang general assembly meeting sa May 30 ng kasalukuyang taon.
Sa liham ng USPGG, sinabi ng mga ito na walang programa na ginawa para sa nasabing event bukod pa sa nasa PIlipinas ang Michigan Chapter head ng mga ito.
Dahil hindi, iginiit ng prosekusyon na i-hold ang travel authority na inisyu nito kay Estrada noong March 26.
Bukod sa sinasabing pagdalo sa pagtitipon nga mga Pinoy nakasaad sa mosyon ni Estrada na magpapatingin ito sa orthopedic surgeon sa Standford Hospital gayundin napangakuan nito ang kanyang anak na magbabakasyon sila sa Estados Unidos.