Magnitude 4.6 na lindol, yumanig sa Cagayan

Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang lalawigan ng Cagayan alas-3:43 kaninang madaling araw.

Batay sa impormasyon na inilabas ng Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 27 kilometro Silangan ng bayan ng Baggao.

May lalim itong 54 kilometro at tectonic ang dahilan.

Samantala, hindi naman inaasahan ang mga kasunod pang pagyanig at pinsala sa ari-arian.

Read more...