Ann Lorraine Colis ng Pilipinas wagi bilang Miss Globe 2015

Untitled
Mula sa FB page ng Miss Globe

Naiuwi ng pambato ng Pilipinas ang korona sa Miss Globe 2015 pageant na ginanap sa Toronto, Canada kaninang umaga (oras sa Pilipinas).

Nanalo si Bb. Pilipinas Tourism 2015 Ann Lorraine Colis sa nasabing pageant sa Rose Theatre Brampton, Toronto.

Ang tagumpay ni Colis ay naka-post na sa official FB page ng Binibing Pilipinas. “We would like to congratulate Ms. Ann Lorraine Colis for clutching the Miss Globe 2015 title during the finals held at Rose Theatre Brampton in Toronto, Canada,”, nakasaad sa Binibining Pilipinas FB page.

Tinalo ni Coli sang 51 kandidata mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Nagwagi naman bilang 1st runner-up si Miss Albania, 2nd runner-up si Miss Macedonia, 3rd runner-up si Miss China at 4th runner-up si Miss France.

Noong nakaraang taon, ang pambato ng Canada na si Jacqueline Wojciechowski ang itinanghal na Miss Globe 2014.

Read more...