De Lima kasapi na ng LP

de lima swornOpisyal nang kasapi ng Liberal Party si outgoing Justice Sec. Leila de Lima.

Sa isinagawang seremonya sa Balay Headquarters ng LP sa Quezon City, panumpa si de Lima bilang bagong miyembro ng partido.

Si Senate President at LP vice chairman Franklin Drilon ang nagpanumpa kay de Lima.

Sinaksihan din nina LP standard-bearer Manuel “Mar” Roxas II at vice presidential candidate Leni Robredo ang panunumpa.

Sa panayam sinabi ni de Lima na buo na ang pasya niya na tumakbong senador sa 2016 elections. “Buong buo na po ang pasya ko na harapin ang bagong hamon sa buhay ko… Wala po akong ibang sasamahan kung hindi LP,” ayon kay de Lima.

Nakatakda nang bumaba ng pwesto si de Lima bilang kalihim ng Department of Justice (DOJ).

Maliban kay de Lima, mahigit isang daan pang lokal na opisyal mula sa lalawigan ng Bulacan, La Union at Bataan ang nanumpa sa LP. Ilan sa kanila ay lumipat sa partido liberal mula sa National Unity Party.

Read more...