Handa ang iba pang mga local taxi-hailing service apps na mula sa mga probinsya na pumasok sa Metro Manila para punan ang pag-alis ng Uber sa Pilipinas.
Paliwanag ni Eddie Ybañez, chief executive officer Micab na nagsimula ang operasyon sa lalawigan ng Cebu, walang price surge kapag ginamit ang kanilang app.
Aniya, kung ano ang lalabas na halaga ng pamasahe sa metro ng taxi ay iyon din ang babayaran ng pasahero; walang karagdagang booking fee o anumang additional charge.
Kagaya ng Micab ay taxi-hailing service app din ang Hirna na mula naman sa Davao.
Sa pamamagitan ng dalawang apps ay makakapag-book ang mga pasahero ng taxi na malapit sa kanilang kinaroroonan.
Samantala, tinapos na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang prangkisa ng Uber dahil hindi na sapat o halos wala nang tauhan ang nasabing transport network company (TNC).
Kasabay nito ay inutusan naman ng LTFRB ang Grab na ibaba ang surge rate sa mga pasahero habang nagpapatuloy pa ang pagproseso ng ahesnsya sa mga bagong TNC applicants.