Idineklara nang “fully liberated” ang ang eastern suburbs ng Damascus, Syria matapos umalis na sa bayan ng Douma ang mga kalaban.
Ayon kay chief military spokesperson Brigadier General Ali Mayhoub, nagsasagawa na ng clearing operation ang kanilang special units para matanggal ang mga land mines at iba pang pampasabaog na itinanim ng mga rebelde.
Ang pagkakabawi sa Douma ang maituturing na ‘biggest victory’ para sa pwersa ng militar simula nang sumiklab ang gulo sa Syria pitong taon na ang nakararaan.
Ayon sa Syrian army, nadiskubre nila sa kanilang pagbawi sa Douma ang mga weapons factories, arms depots, mga tunnel, at mga food storage.
Dahil dito ay inihahanda na rin ng army ang eastern Ghouta para sa mga residenteng nawalan ng tirahan dahil sa naganap na bakbakan.