Sa plenary interpellation para sa 2016 proposed budget ng DSWD, inungkat ni Ridon ang tinawag niyang “vanishing act” ng ahensya.
Gayunman, hindi makapagbigay ng commitment ang DSWD kung ititigil na nito ang pagdaraos ng tinatawag nilang “outings” dahil sa kasalukuyan ay tuloy-tuloy pa rin ang implementasyon ng Modified Conditional Cash Transfer Program o MCCTP.
Ang naturang programa umano ay bahagi ng Conditional Cash Transfer Program, kung saan maituturing na mga benepisyaryo ang mga palaboy at mahihirap na pamilya.
Nilinaw naman ng sponsor ng DSWD na si Rep. Maria Carmen Zamora na hindi nahinto ang mga aktibidad para sa homeless families, sa kabila ng kontrobersiya sa pagdalaw noon ni Pope Francis noong January 2015.
Magugunitang kinuha ng DSWD ang nasa isang daang katao sa Roxas Boulevard at dinala sa Chateau Royal sa Batangas, bago ang limang araw na apostolic visit ng Santo Papa.
Aabot sa 104. 2 Billlion pesos ang hinihinging budget ng DSWD sa kongreso para sa susunod na taon, kung saan 62.6 Billion pesos ang ilalaan sa CCT Program.