Mayroong kulang.
Ganito inilarawan ng birit queen na si Morissette Amon ang kanyang pakiramdam bagaman natamasa na niya ang kanyang pangarap na makapasok sa music industry.
Para sa Kapamilya singer, ang kulang sa kanyang buhay ay ang makapagtapos ng pag-aaral.
Kaya naman pinagsabay ni Morissette ang pagiging singer at pagpasok sa Alternative Learning System (ALS) program ng Department of Education (DepEd).
Sa isang Instagram post ni Morissette ay masaya at proud niyang ibinahagi na natanggap na niya ang kanyang diploma at nakapagtapos na siya ng junior high school.
Sa caption ng post ay sinabi ni Morissette na kinailangan niyang iwanan ang pag-aaral sa Cebu para lumuwas ng Maynila at tuparin ang kanyang pangarap na maging singer.
Aniya, nalungkot siya dahil dito kaya naman nagpapasalamat siya na mayroong programa katulad ng ALS na tumutulong sa mga kagaya niyang tumigil sa pag-aaral.
Ginamit rin ni Morissette ang #education at #neverstoplearning sa kanyang post.