Kinatigan ni Senador Richard Gordon ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipaaaresto niya si International Criminal Court (ICC) prosecutor Fatou Bensouda, sakaling ituloy nito ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa anti-drug war campaign ng administrasyon.
Ayon kay Gordon, tungkulin ng pangulo na pangalagaan ang bansa sa sinumang dayuhan na magtatangkang i-destabilize ang gobyerno.
Sinabi pa ni Gordon na siya mismo ay hindi rin pipirma sa Rome Statute para maging ganap na miyembro ang Pilipinas sa ICC.
Una nang sinabi ng pangulo na walang karapatan ang ICC na magsagawa ng imbestigasyon sa Pilipinas tungkol sa kampanya ng pamahalaan kontra sa iligal na droga dahil panghihimasok na ito sa soberenya ng bansa.
MOST READ
LATEST STORIES