2 ginang na nakitaan ng shabu, arestado

Inquirer file photo

Arestado ang isang Susan Tamayo Buendia, 59 anyos, at isa pang ginang dahil sa pagbibitbit ng iligal na droga.

Nabatid na habang papauwi na si Police Officer 1 Richard Villestas mula sa kanya duty sa Manila Police District Station-2 ay napansin niya ang suspek na si Tamayo at isang babae na kasama nito na si Susan Salle Aquino habang hawak-hawak at binubusisi ang isang plastic sachet na naglalaman ng shabu dahilan para kanyang arestuhin ang mga ito.

Nabawi sa dalawa ang isang sachet ng shabu na may street value na P200.00.

Ang naturang ebidensiya ay dinala na sa MPD-Crime-Laboratory Office para sa eksaminasyon.

Kasalukuyan namang nakaditene ang dalawa sa Police Station -7 habang inihahanda ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 laban sa kanila.

Read more...