LOOK: Pang. Duterte, nakipagpulong sa OFW na inabuso sa Saudi Arabia

Photo credit: PPD

Ikinatuwa ni Pangulong Rodrigo Duterte na nakauwi na sa bansa ang overseas Filipino worker (OFW) na si Fahima Alagasi na inabuso ng kanyang employer sa Saudi Arabia.

Ayon kay Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go, nagpulong ngayong araw sina Pang. Duterte at Alagasi.

Kasabay nito, patuloy ang pagsusumikap ng administrasyon na matulungan ang mga OFW na nakararanas ng anumang uri ng mga pang-aabuso.

Binigyang-diin ni Go na palaging bukas ang pintuan ng Malakanyang para sa sinumang nangangailangan ng tulong.

Matatandaang ang kaso ni Alagasi ang isa sa mga hiniling ni Duterte kay Prince Abdulaziz Bin Saud Naif nang magkaroon ng pagpupulong ang dalawa noong nakaraang buwan lamang.

Read more...