Capoocan, Leyte niyanig ng lindol

Credit: Phivolcs

Tumama ang magnitude 3 na lindol sa Leyte, Linggo ng umaga.

Batay sa Philippine Institute of Volcanolgy and Seismology (Phivolcs), naitala ang episentro ng lindol sa 3 kilometers South ng Capoocan dakong 10:26 ng umaga.

May lalim ang lindol na 6 kilometers at tectonic ang pinagmulan.

Wala namang inaasahang pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...