Nagsasagawa ng programa ang Office of the Cabinet Secretary dito sa Quezon City Memorial Circle.
Libu-libong mga supporters ng Kilusang Pagbabago ang patuloy na dumadagsa sa pagpapasinaya ng programang “Biyaya ng Pagbabago” sa National Capital Region (NCR).
Pinangunahan ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang ribbon-cutting ceremony at ang pag-welcome sa mga delegado.
Layunin ng programa na tiyaking nagsasama-sama ang iba’t ibang mga ahensya ng pamahalaan para tiyakin na mamakamit ng lahat ang biyaya at pagbabago na kaloob ng gobyerno.
Karamihan sa mga dumalo ay mga civil society groups na makikinabang sa iba’t ibang mga programa, tulad ng mga miyembro ng urban poor, indigenous sector, at mga Muslim.
Katuwang rin ng Office of the Cabinet Secretary na pinangungunahan ni Cabinet Secretary Leoncio ‘Jun’ Evasco ang 12 ahensya ng pamahalaan, kabilang dito ang Presidential Commission on Urban Poor, TESDA, Office of Participatory Governance, Philippine Commission on Women, National Commission on Muslim Filipino, National Commission on Indigenous People at National Youth Commission, HUDCC, NFA, OP-Presidential Action Center, at Philippine Coconut Authority.
WATCH: Programang “Biyaya ng Pagbabago” sa NCR, inilunsad sa QC | @CyrilleCupino pic.twitter.com/IOCObuqFrk
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) April 15, 2018
LOOK: Programang ‘Biyaya ng Pagbabago’ sa NCR, inilunsad sa QC | @CyrilleCupino pic.twitter.com/8XQZFGe6Xi
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) April 15, 2018