Simula bukas, mabibili na sa merkado sa National Capital Region (NCR) ang well-milled rice sa halagang P39.
Ayon kay National Food Authority (NFA) spokesman Rex Estoperez, gaya ng ipinangako ng mga rice traders sa pakikipagpulong kay Pangulong Rodrigo Duterte, iro-roll out na bukas ang murang bigas.
Sa naturang pulong sa Malakanyang, nangako ang mga rice traders na maglalaan sila ng 700,000 na sako ng bigas bilang pangpuno sa mababang stocks ng NFA rice.
Ayon kay Estoperez, ang mga traders at millers mula sa Nueva Ecija at Isabela ang magsusuplay ng murang bigas.
Makikita aniya ang mga murang bukas sa mga merkado na may nakalagay na tarpaulin na “Tulong Sa Bayan Caravan.”
Tiniyak naman ni Estoperez na hindi lilimitahan ng mga trader ang mamimili kung ilang kilo ng well-milled rice ang kanilang bibilhin.