Naging mapayapa ang unang araw ng filing ng certificates of candidacy (COC) at gun ban para sa 2018 Barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Sa isang panayam, sinabi ni Philippine National Police (PNP) spokesman Chief Supt. John Bulalacao na tatlong paglabag sa gun ban lamang ang naitala kahapon, tig-isa sa Cadiz City, Bulacan at Batangas.
Samantala, ayon sa Commission on Elections (Comelec), inaasahaang makakatanggap ng 3,000 aplikante ang ahensya kada araw hanggang sa pagtatapos sa April 20.
Magsisimula naman ang campaign period sa May 4 hanggang May 12.
MOST READ
LATEST STORIES