Baguio City susunod na isasailalim sa rehabilitasyon ayon sa DOT

INQUIRER File Photo

Sinabi ng Department of Tourism (DOT) na posibleng isunod ang Baguio City na  pamosong tourist destination sa bansa na isasailalim sa rehabilitasyon.

Ayon kay DOT Secretary Wanda Teo, batay sa kanilang assessment ay  mayroong na ring sira sa kalikasan ang Baguio City.

Dagdag pa ni Teo, sa ngayon ay tinitingnan ng kagawaran ang lahat ng mga  tourist destination sa bansa, at hindi lamang mga beach resort, para sa  posibilidad na isailalim ito sa rehabilitasyon.

Sa huling datos, aabot sa 500,000 na mga turista ang bumibisita sa Baguio City  sa tuwing bakasyon. Dahil na rin sa dami ng mga sasakyan na umaakyat sa  Baguio ay lumalabas na isa ang lungsod sa may most polluted air sa bansa.

Read more...