Mga iskolar ng 4Ps nakapagtapos na ng kolehiyo

INQUIRER File Photo

Nakapagtapos na ng kolehiyo ang nasa 34,000 na mga mag-aaral na pawang  mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps ang kanilang  mga pamilya.

Nag-aral ang mga ito sa ilalim ng Expanded Students Grants-in-Aid Program for  Poverty Alleviation sa pagtutulungan ng Commission on Higher Education (CHED), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of  Labor and Employment (DOLE), at mga state universities and colleges.

Sa ilalim ng naturang programa ay dapat kuhanin ng mga mag-aaral ang mga  kursong in demand batay sa datos na hawak ng mga local industries.

Samantala, sinabi ni DSWD undersecretary at officer-in-charge Emmanuel Leyco  na magpapatuloy ang pagbibigay ng cash grant para sa mga benepisyaryo ng  4PS sa Marawi City.

Ngunit paalala nito, kailangang makapag-comply ang mga pamilya sa  requirement ng DSWD hanggang sa katapusan ng taon.

Read more...