3 SHS graduates na dumalo sa party naaksidente sa Bohol, isa patay

Tatlong senior high school graduates ang naaksidente sa Dauis, Bohol, Sabado ng hapon.

Ayon kay Dauis Police Station Desk officer SPO3 Jose Pogoy, sakay ang tatlo ng isang Mitsubishi Montero at patungo sanang Tagbilaran City matapos dumalo sa isang party sa bayan ng Panglao.

Minamaneho ang sasakyan ni Prince Jumawid, 19 anyos nang mag-over take ito sa kahabaan ng national road sa Barangay Tinago ngunit nawalan ito ng kontrol dahilan para sumalpok ito sa puno.

Ayon sa mga nakakita sa aksidente, mabilis ang takbo ng sasakyan.

Dead on the spot ang isa sa mga teenagers na si Marvin Arcamo Guiritan, 18 anyos at residente ng Marapao Street sa naturang bayan.

Samantala si Jumawid at ang isa pang sakay na si Allen Pablo, 18 anyos ay naisugod pa sa ospital sa Tagbilaran.

Patuloy ang imbestigasyon ng mg awtoridad sa aksidente at partikular na tinitingnan kung nakainom ba ang mga binatilyo matapos dumalo sa party.

Read more...