Hindi welcome sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sina dating Immigration deputy commissioners Al Argosino at Michael Robles at retiradong pulis na si Wally Sombero Jr. na isinasangkot sa P50 Million bribery scandal sa Bureau of Immigration.
Ipinahayag ni PNP spokesperson Chief Superintendent John Bulalacao na suportado niya ang pagbasura ng Sandiganbayan sa hiling ng tatlo na mailipat sa PNP Custodial Center sa halip na sa pasilidad ng Bureau of
Jail Management and Penology (BJMP).
Iginiit ni Bulalacao na ang PNP Custodial Center ay para lamang sa mga aktibong miyembro ng PNP na nagkasala sa batas.
Gayunman, nilinaw ni Bulalacao na mayroong “exemptions” para sa mga hindi myembro ng PNP na nakadetine sa Custodial Center, halimbawa na
lamang ni Senador Leila de Lima at dating Senador Bong Revilla.
Ani Bulalacao, kinakailangan silang bantayan ng PNP at ang Sandiganbayan ang pagpupumilit ng tatlo na makulong sa loob ng Camp Crame.