Dating sekyu unang naaresto na lumabag sa election gun ban

Huli ang kauna-unahang lumabag sa gun ban ngayong araw sa Cadiz City sa Negros Occidental.

Kinilala ang lumabag na isang dating security guard na nagpanggap na pulis.

Nagsagawa ng Oplan Bakal Sita ang pulisya sa lungsod. Ayon kay Chief Inspector Rock Dezear, hepe ng Cadiz City police, nakita nila ang suspek na nakasuot ng athletic uniform ng pulis habang nakikipag-inuman sa isang bar.

Sa isinagawang Oplan Bakal Sita, nakuha sa suspek ang isang Caliber .357 na revolver at mga bala.

Nakadetine ngayon ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa election gun ban at ilegal na pagsusuot ng uniporme ng pulisya.

Nauna nang sinabi ng Philippine National Police na mahigit sa limang libong mga barangay sa bansa ang inilagay nila sa watch list kaugnay sa papalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa bansa.

Read more...