OFW na biktima ng pagmamalupit sa Saudi kakausapin ng pangulo

DFA photo

Makikipagpulong si Pangulong Rodrigo Duterte kay Pahima Alagasi, ang overseas Filipino worker (OFW) na sinabuyan ng kumukulong tubig ng kanyang amo noong 2014.

Hindi bukas sa media ang pagkikita nina Duterte at Alagasi.

Kahapon dumating sa bansa ang OFW mula sa Riyadh.

Naghain na ng kaso si Alagasi laban sa kanyang employer pero ibinasura rin ito.

Simula noon, kinupkop siya ng isang shelter ng Philippine Embassy sa Riyadh.

Pinayagan si Alagasi na makaallis ng Riyadh matapos ibasura ang retaliatory case laban sa kanya matapos mamagitan si Saudi Prince at Interior Minister Abdulazis bin Saud bin Naif sa pakikipagpulong kay Duterte sa Malacañang noong Marso.

Read more...