5,000 barangay nasa PNP election watch list

Inquirer file photo

Sinabi ng Philippine National Police na mahigit sa 5,000 mga barangay sa bansa ang isinailalim nila sa election watch list areas kaugnay sa gaganaping Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa May 14.

Ang nasabing bilang ay dumaan sa ginawang evaluation ng Directorat for Intelligence ng ayon kay PNP Spokesman CSupt. John Bulalacao.

Inilagay umano nila s akanilang watch list ang mga barangay na mayroong mataas na kaso ng kriminalidad.

Kasama rin dito ang mga beripikadong political rivalry, pagkakaroon ng mga armed groups, drug prone areas at hindi mapigil na aktibidad ng mga rebelde.

Hinati umano nila sa iba’t ibang kategorya ang nasabing mga barangay sa kanilang watch list at ang pinakatinututukan nila s amga ito ay ang mga lugar na pinagkukutaan ng mga armadong grupo.

Kabilang sa mga rehiyon na binabantayan ng PNP ay ang Autonomous Region in Muslim Mindanao, Central Luzon at Bicol Region.

Kaugnay nito, sinabi ni Bulalacao na nagdagdag na rin sila ng mga checkpoints sa ilang mga lugar para sa pagpapatupad ng gun ban kasunod ng pagsisimula ng panahon ng kampanya para sa nalalapit na halalan.

Read more...