Sa pinakahuling pagtaya ng weather bureau, namataan ang LPA sa layong 2,325 kilometers sa Silangan ng Southern Mindanao.
Wala pa naman itong direktang epekto sa bansa at hindi pa inaasahang magiging bagyo at papasok sa Pilipinas sa sa susunod na 48 oras.
Samantala, patuloy na nakakaapekto ang Easterlies sa malaking bahagi ng bansa at inaasahang magbibigay ng maalinsangang panahon.
Inaasahang aabot sa 35 degrees Celsius ang antas ng panahon sa Metro Manila habang 38 degrees Celsius naman sa Tuguegarao City.
MOST READ
LATEST STORIES