Water interruption ng Maynilad sa maraming lugar Metro Manila at Cavite tatagal pa ng hanggang 4 na araw

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 13, 2018 - 08:40 PM

Magpapatuloy ang water service interruption ng Maynilad sa malaking bahagi ng Metro Manila at ng Cavite na una nang naranasan mula hapon ng Huwebes (April 12) hanggang umaga ng Biyernes (April 13).

Sa pahayag ng Maynilad, muli nilang ipinatupad ang interruption sa pagitan ng gabi ng Biyernes hanggang umaga ng Sabado, at posibleng ipatupad muli sa mga susunod na araw.

Kabilang sa mga apektadong lugar ang bahagi ng Caloocan, Malabon, Maynila, Navotas, Pasay, Quezon City, Valenzuela, Las Piñas at Parañaque.

Gayundin ang Bacoor, Cavite City, Imus, Kawit, Noveleta at Rosario sa Cavite.

Ayon sa Maynilad ang dahilan ng interruption ay dahil sa pagbaba ng raw water allocations mula La Mesa Treatment Plants.

Dapat ay 60% umano ang nakukuha nilang alokasyon ng tubig mula sa nasabing treatment plant pero bumaba ito.

Nakipag-usap na ang Maynilad sa Manila Water at sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) para talakayin ang pagbaba ng alokasyon.

Sa sandaling bumalik ang normal na suplay na nakukuha ng Maynilad ay saka lamang nila masusuplyan ang kanilang Bagbag Reservoir na makapagpapabalik sa normal na serbisyo sa mga apektadong consumers.

Sakaling magbalik sa normal ang raw water allocation sa lalong madaling panahon ay tatagal pa ng tatlo hanggang apat na araw bago mapuno ang Bagbag Reservoir.

Kabilang sa apektado ang mga sumusunod na lugar:

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: maynilad, Metro Manila, Water allocation, Water supply, maynilad, Metro Manila, Water allocation, Water supply

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.