Sa kaniyang statement, sinabi ni Mayor Duterte na ang pakikipagnegosasyon sa mga komunista ay walang saysay.
Kahit aniya muling buhayin ang pag-uusap tiyak aniyang itutuloy ng NPA ang kanilang paghahasik ng kaguluhan at paglulunsad ng terorismo laban sa pwersa ng gobyerno at mga sibilyan.
Wala din aniyang indikasyon na ipinakikita ang mga komunista na sila ay magiging sinsero sa peace talks kung ang pagbabasehan ay ang mga nagaganap sa Davao City.
Noong Holy Week, sinunog ng mga miyembro ng NPA ang mga heavy equipment sa Davao City na ginagamit sa P1.3-billion road project ng Department of Public Works and Highways.
Dahil aniya sa nasabing insidente, nabinbin ang proyektong road construction na makatutulong sana sa komunidad.
Pinaalala din ni Mayor Sara kay Pangulong Duterte ang pagpatay sa tindero ng isda na si Larry Buenafe nang atakihin ng mga rebelde ang Lapanday Food Corporation.