Prieto Diaz, Sorsogon niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang bayan ng Prieto Diaz sa Sorsogon.

Naitala ng Phivolcs ang lindol sa 9 kilometers West ng Prieto Diaz alas 3:59 ng hapon ng Biyernes, Apr. 13.

Ayon sa Phivolcs, 86 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...