Gilas Pilipinas, 3rd best in Asia, sa latest Fiba ranking

gilas 3Matapos makakuha ng silver medal sa katatapos lamang na Fiba Asia championship, nasa ikatlong pwesto na ang Pilipinas sa mga bansa sa Asya sa basketball ranking.

Sa inilabas na world ranking ng Fiba, nasa pang 28 pwesto ang Pilipinas sa ranking ng 91 mga bansa sa buong mundo.

Ang dating nasa ika-28 pwesto ay ang South Korea na ngayon ay bumaba sa pang-30 pwesto.

Pero kung ang mga bansa sa Asya ang pag-uusapan, pumapangatlo ang Pilipinas, kasunod ng Iran na nasa ikalawang pwesto at China na nasa unang pwesto.

Sa kabuuan ng world ranking ng Fiba, nasa number 1 spot ang US, na sinusundan ng Spain sa ikalawang pwesto, sumunod ang Lithuania, Argentina, France, Serbia, Russia, Turkey, Brazil at Greece.

Nasa pinakamabababang pwesto naman ang Zimbabwe, Togo, Burkina Faso, Uganda, Chad, Sri Lanka, Portugal, Netherlands, Iceland at Estonia.

Read more...