Ayala Bridge sarado sa mga motorista ngayong Sabado at Linggo

ayala1Pinaalalahanan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na muling magpapatupad ng full closure sa Ayala Bridge sa Maynila ngayong weekend.

Magsisimula ang pagsasara ng tulay alas 10:00 ng gabi mamaya, at tatagal hanggang alas 5:00 ng umaga sa October 12, araw ng Lunes.

Sa Lunes ng alas 5:00 ng umaga ay muling magbubukas ng tig-isang linya sa magkabilang direksyon ng Ayala Bridge para may madaanan ang mga maliliit na sasakyan.

At muli na namang isasailalim sa total closure sa October 16, araw ng Biyernes, alas 10:00 ng gabi.

Ayon sa MMDA, apat na magkakasunod na weekend ng Oktubre, magpapatupad ng total closure sa Ayala Bridge dahil nagpapatuloy pa ang pagsasailalim dito sa repair at rehabilitasyon.

Target ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na sa November 2 ay makumpleto ang pagsasaayos sa tulay.

Read more...