Ayon kay PNP Spokesman, Chief Supt John Bulalacao, nasa talaan ng kanilang directorate for intelligence ang mahigit na 2,000 na baranggay sa Region 1, mahigit 3,400 na baranggay sa Region 2, at 271 na baranggay sa Region 3.
Kaniya ring sinabi na nasa category 1 o ang lugar kung saan mataas ang banta ng gulo ay ang Region 5 o Bicol Region kung saan 1,258 barangay dito ay kanilang tinututukan.
Sinundan ito ng ARMM na may mahigit na 800 barangay, Region 12 na nasa 37 barangay at 14 na barangay sa Region 1.
Sa National Capital Region (NCR) naman umaabot sa 53 ang nasa talaan ng watchlist areas.
Dahil nasa watchlist ang nasabing mga lugar sinabi ni Bulalacao na itinuturing silang areas of immediate concern.
Kabilang sa mga tinignan sa mga nabanggit na lugar ang intense political rivalry, presensya ng private armed groups, aktibidad ng mga criminal gangs, paglaganap ng loose firearms, aktibidad ng threat groups kaya ng mga armed rebel groups.