ICC prosecutor binalaan ni Duterte na aarestuhin

Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) prosecutor na aarestuhin ito kapag nagsagawa ng aktibidad sa bansa.

Ayon sa pangulo hindi na miyembro ng ICC ang Pilipinas kaya walang karapatan ang ICC member na magsagawa ng imbestigasyon sa bansa.

Noong buwan ng Pebrero, inanunsyo ni ICC prosecutor Fatou Bensouda na sisimulan na ang preliminary examination sa reklamo laban kay Duterte kaugnay sa war on drugs.

Ani Duterte, wala nang otorisasyon ngayon ang ICC sa Pilipinas kaya wala na itong kapangyarihan na magsagawa ng anumang proceedings.

Kung ipagpipilitan aniya, aarestuhin niya ang kinatawan na pupunta dito.

 

 

 

 

 

 

Read more...