Iginiit ni Calida na ang Office of the Solicitor General (OSG) ang nakarekober sa siyam na SALN ni Sereno.
Sa kanyang Twitter account, ipinost ni Calida ang reply letter ng University of the Philippines Human Resources Development Office (UP HRDO).
Ayon sa Solicitor General, ibinigay ng UP ang mga kopya ng SALN ni Sereno para sa mga taong 1985,1990, 1991, 1993, 1994,1995, 1996, 1997 at 2002.
Ani Calida, pareho ang mga SALN na “narekober” ni Sereno sa mga isinumite ng OSG sa Korte Suprema.
Ayon sa tagapagsalita ni Sereno na si Atty. Jojo Lacanilao, kamakailan ay narekober ng punong mahistrado ang kanyang mga SALN na inihain noong 1985, 1989, 1990, 1991, 1993, 1994, 1995, 1996 at 1997.
Dagdag ni Lacanilao, ang 1996 SALN ni Sereno ay nakuha sa Office of the Ombudsman habang ang 2002 SALN ay mula sa UP HRDO.
Naghain ng quo warranto petition si Calida laban kay Sereno dahil sa kabiguan umanong ihain ang lahat ng kanyang SALN na requirement sa application ng Judicial and Bar Council.