Paliwanag ni Jay Batongbacal, direktor ng University of the Philippines Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea, tila wala pang malinaw na “area of compromise” sa South China Sea kaya patuloy pang nag-uusap ang dalawang bansa.
Sinabi ni Batongbacal na pinakamainam na simulan na ng Pilipinas ang oil exploration sa West Philippine Sea nang wala ang China. Aniya, kinakailangang maghanap ang bansa ng iba mapagkukunan ng enerhiya para maiwasan ang kakulangan nito.
Noong Miyerkules, ipinahayag ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na napag-usapan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping ang posibilidad ng joint exploration sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.