Nagsagawa ng Inter-Agency Capability Training and Simulated Exercise ang Task Force Kamao para sa mas maigting na Anti Colorum Operations.
Dito ipapakita ang worst case scenario sa paghuhuli ng mga colorum na sasakyan.
Sa naturang exercise, mayroong 1 van na magisislbing high risk target kung saan may sakay itong mga pasahero.
Nilagpasan nito ang nakalatag na check point na inilatag ng mga awtoridad dahilan para habulin ito ng pwersa ng Highway Patrol Group.
Nakaantabay din ang pwersa ng Armed Forces of the Philippines na nakaalerto sakaling makatakas ang sasakyan na target sa HPG.
Nang maabutan na, pinasuko ang driver.
Pinababa rin ang mga mga pasahero nito at inilipat sa libreng sakay.
Kapansin-pansin naman na bagaman armado ay hindi nagpaputok ng baril ang mga pulis dahil tinatansa rin nila ang sitwasyon.
Ayon sa HPG, delikado ang naturang sitwasyon dahil posibleng may itimatago ang driver. Halimbawa na kung ito ay walang lisensya, kolorum ang minamaneho nyang sasakyan o kaya ay may dala itong armas.
Ang naturang task force ay binubuo ng mga tauhan ng Department of Transportation, Land Transportation Office, Land Transportation Franchising and Regulatory Board, Metropolitan Manila Development Authority, Philippine National Police – Highway Patrol Group, at Armed Forces of the Philippines.
Layunin nito na mas mapaigting ang panghuhuli sa mga kolorum na sasakyan alin-sunod na rin sa utos ni Pangulong Duterte.
Nauna nang nagkasa ng crackdown kontra kolorum na mga public utility vehicle ang inter-agency council bago mag Semana Santa.