Ipinahayag ito ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kaugnay ng umano’y paglalagay ng signal-jamming device ng China sa Mischief o Panganiban Reef.
Kukumpirmahin pa ng Department of National Defense kung totoong naglagay ng signal jammer sa lugar na posibleng makaapekto at mamanipula ang electronic communications ng Armed Forces of the Philippines.
Sinabi ni Lorenzana na kung mayroon mang signal jammer sa lugar, aalamin nila kung pinuputol ba nito ang linya ng komunikasyon o ang weapons system.
Noong Martes, inulat ng Wall Street Journal na batay sa impormasyon mula sa United States defense officials, may inilagay na equipment sa bahagi ng Mischief Reef.
Nang tanungin naman ng mga mamamahayag ang kalihim kung mapipigilan ba ng Pilipinas ang China na maglagay ng signal jammers, sinabi ni Lorenzana na hindi nga napigilan ng bansa ang China nang simulan nito ang reclamation sa pinag-aagawang teritoryo.