Sa liham na ipinadala ng NPC sa Facebook, na naka-address kay Zuckerberg, inatasan nito ang Facebook na magsumite ng mga dokumento kaugnay sa kaso.
Kinakailangang ang mga dokumentong isusumite ay makasusuporta o makapagpapakita ng lawak at impact ng insidente sa datos ng mga Pinoy users.
Ipinaalam ng NPC kay Zuckerberg ang gagawing imbestigasyon para matukoy kung nagkaroon ba ng hindi otorisadong pagproseso o pagkuha sa personal data ng mga Pinoy, at iba pang posibleng paglabag sa Data Privacy Act of 2012.
Nilagdaan ni NPC Commissioner Raymund Enriquez Liboro ang liham at nina deputy commissioners Ivy Patdu at Leandro Aguirre.
Partikular na tutukuin sa imbestigasyon ng NPC kung paano naibabahagi ang personal data ng mga Filipino users sa third parties.
Sa pamamagitan nito, matutugunan din ang pagbibigay proteksyon sa milyun-milyong FB users na Pinoy sa ilalim ng data privacy rights.