12-anyos sugatan matapos barilin ng kapitbahay dahil sa pagnanakaw ng itlog

Sugatan ang isang 12 taong gulang na lalaki matapos siyang barilin ng kapitbahay dahil sa pagnanakaw ng itlog sa Tigbao, Zamboanga del Sur.

Kinalala ng suspek na si Junrey Banay.

Kinuha umano ng batang lalaki ang mga itlog ng alagang pato ni Banay kaya siya binaril.

Nagtamo ng tama ng bala sa braso ang biktima.

Isinugod naman sa ospital ng mga kapitbahay ang batang lalaki.

Sinubukan ni Banay na tumakas pero agad ding inaresto ng pulisya sa follow-up operation.

Kasong frustrated murder ang isinampa sa suspek.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...