Detachment ng militar sa Maguindanao, sinalakay ng BIFF

Sinalakay ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang dalawang detachment ng militar sa Maguindanao.

Dakong 6:40 Huwebes ng gabi, sinalakay ng rebeldeng grupo ang Cowboy Detachment ng Alpha Company ng Army 57th Infantry Battalion sa Shariff Saydona Mustapha.

Bago pa man ito, una nang sinugod ng BIFF ang isa pang detachment ng 57th Infantry Battalion sa Datu Hoffer.

Grupo umano ni Kumander Kadelen ang sumalakay sa dalawang military detachment.

Samantala, sa pinakahuling datos, hindi bababa sa 13 myembro ng BIFF ang nasawi sa opensiba ng militar mula noong Lunes.

Sumuko rin ang apat na myembro ng BIFF, kabilang ang pamangkin ng rebeldeng si Kumander Abdul Basit Usman./ Rohanisa Abbas

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...