Bilang ng mga presong nasasawi dahil sa siksikang kulungan umabot sa 40 mula Hulyo 2016

AFP Photo

Umabot na sa 40 ang bilang ng mga presong nasasawi dahil sa mainit at siksikang sitwasyon sa mga bilangguan sa mga istasyon ng pulisya sa Metro Manila.

Ayon kay incoming Philippine National Police chief Oscar Albayalde, sa datos ng NCRPO, mula noong July 2016 lang, nasa 40 na ang mga nasawi sa mga detention cells sa iba’t ibang lugar sa NCR.

Sinabi ni Albayalde na sa Pasay City nakapagtala ng may pinakamaraming bilang ng mga nasawi dahil sa sobrang siksikan sa mga detention cell.

Ani Albayalde may mga kulungan sa mga istasyon ng pulisya na 30 lang ang capacity pero nasa halos 100 ang nakakulong.

Magugunitang noong Miyerkules, isang preso sa detention cell ng Station Investigation and Detection Management Branch ng Pasay City Police ang nasawi matapos atakihin sa puso.

Hinimatay umano si Domingo Delos Santos at 7 iba pang inmate sa nasabing kulungan.

Sa Caloocan mayroon ding naiulat na nasawing preso at ang iba ay naospital.

Ani Albayalde, ang mabilis na pagkuha ng commitment order mula sa korte ang isang paraan para mabawasan ang mga preso sa mga selda ng istasyon ng pulisya.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...