Surpresang binisita ni Chinese President Xi Jinping ang naval exercises sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.
Sa ulat ng state media na CCTV, ipinahayag ni Xi na kinakailangan nang makapagpatayo ng malakas na hukbo ng navy sa lalong madaling panahon.
Pinanood naman Xi ang paglipad ng mga jet mula sa Liaoning, ang natatanging aircraft carrier ng China
Sa isinagawang pagsasanay ng militar ng China sa South China Sea, 10,000 tauhan ng navy ang lumahok, gamit ang 48 barkong pandigma at 76 fighter jets, ayon sa pahayagang China Military.
Nagsanay ang Chinese Navy sa pinag-aagawang teritoryo kasunod ng demonstration ng USS Theodore Roosevelt para ipakita sa ilang opisyal ng Pilipinas.
Samantala, inanunsyo ng China na magsasagawa rin ito ng live-fire drills sa susunod na linggo sa Taiwan Strait, ang kipot na naghihiwalay sa Taiwan at mainland China.