LOOK: Pangulong Duterte kumain sa isang fast food sa Hong Kong

Presidential Photo

Kumain si Pangulong Rodrigo Duterte sa Jollibee outlet sa Hong Kong.

Sa larawan na inilabas ng Malakanyang, makikita ang pangulo na pumipili ng pagkain sa counter ng Jollibee kasama si Special Assistant to the President Bong Go.

Sa lamesa, kasama rin ng pangulo na kumain sa nasabing fast food chain ang kaniyang partner na si Honeylet Avanceña, anak na si Veronica, at si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Presidential Photo

Habang kumakain, inanyayahan ng pangulo ang Pinay na si Alma Pardillo na makisalo sa kanila sa lamesa. Si Padillo ay OFW sa Hong Kong.

Pinakinggan din ng pangulo ang kwento at mga hinaing ni Pardillo at pinangakuan itong tutulungan sa pangangailangang medikal ng kaniyang 9 na taong gulang na anak na may sakit sa baga.

Pinangakuan din ng pangulo si Pardillo na sasagutin ang kaniyang pamasahe sa eroplano pauwi ng Pilipinas para makadalo siya sa commencement ceremony ng kaniyang anak.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...