Alas 3:00 pa kahapon nga mawalan ng tubig ang mga bahagi ng Caloocan, Las Pinas, Maynila, Navotas, Paranaque, Pasay, Quezon City, Valenzuela at mga lugar sa Cavite gaya ng Bacoor, Imus, Kawit, Noveleta, Rosario at Cavite City.
Ito ay dahil sa limitadong tubig na nagmumula sa La Mesa Treatment Plant ng Maynilad.
Alas 4:00 ngayong umaga nang unti-unting maibalik ang suplay ng tubig sa mga naapektuhang lugar.
Pero maraming residente ang nagrereklamong napakahina pa rin ng tubig habang ang iba naman ay madumi ang lumalabas na tubig sa gripo.
Paliwanag naman ng Maynilad, ang lakas at pagbabalik ng suplay ng tubig ay nakadepende pa rin sa dami ng mga gumagamit, layo ng lugar sa pumping stations at elevation o taas ng isang lugar.