Military strikes ng US sa Syria hindi pa napagpapasyahan

Hindi naglabas ng pinal na desisyon si US President Donald Trump sa posibleng pagsasagawa nila ng military strikes laban sa Syria.

Ito ay matapos ang ang naunang tweet ni Trump na maaring mangyari ang military strikes sa lalong madaling panahon.

Sa inilabas na pahayag ng White House matapos ang pulong ni Trump sa mga miyembro ng National Security Council ay wala pang naging pinal na pasya sa usapin.

Patuloy umano na pinag-aaralan ang sitwasyon at tuloy ang pakikipag-usap sa mga kaalyado ng US.

Nakatakda namang makipagpulong si Trump kina French President Emmanuel Macron at British Prime Minister Theresa May.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...