Suplay ng tubig sa Metro Manila at Cavite, balik na sa normal matapos magkaproblema ang suplay sa La Mesa Water Treatment Plant ng Maynilad

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 13, 2018 - 07:56 AM

Balik na ang suplay ng tubig sa malaking bahagi ng Metro Manila at Cavite na sineserbisyuhan ng Maynilad.

Alas 3:00 pa kahapon nga mawalan ng tubig ang mga bahagi ng Caloocan, Las Pinas, Maynila, Navotas, Paranaque, Pasay, Quezon City, Valenzuela at mga lugar sa Cavite gaya ng Bacoor, Imus, Kawit, Noveleta, Rosario at Cavite City.

Ito ay dahil sa limitadong tubig na nagmumula sa La Mesa Treatment Plant ng Maynilad.

Alas 4:00 ngayong umaga nang unti-unting maibalik ang suplay ng tubig sa mga naapektuhang lugar.

Pero maraming residente ang nagrereklamong napakahina pa rin ng tubig habang ang iba naman ay madumi ang lumalabas na tubig sa gripo.

Paliwanag naman ng Maynilad, ang lakas at pagbabalik ng suplay ng tubig ay nakadepende pa rin sa dami ng mga gumagamit, layo ng lugar sa pumping stations at elevation o taas ng isang lugar.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: cavite, maynilad, Metro Manila, Radyo Inquirer, Water supply, cavite, maynilad, Metro Manila, Radyo Inquirer, Water supply

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.